Monday, January 6, 2014

PROFRIENDS OFFICE

Mababait ang mga tao sa profriends.
 Kahit na medyo naiinis ako sa pagkakataon na iyon hinayaan ko na lamang siyang i explain ang ibig sabihin ng lot alteration (kahit na alam ko na kung ano iyon)...

Mababait ang mga tao sa profriends, ultimo gwardiya ay magalang. Lahat sila ay magiliw kang haharapin kapag wala kang problemang idinudulog. Ngunit kapag inilatag mo na ang problema ay magiging malamig pa sa yelo ang treatment nila sa iyo.

a. hahayaan kang magsalita at ibulalas ang sama ng loob mo sa kumpanya nila, tutugon sila ng yes mam, i understand mam, okay mam, nang nakatitig sa computer. hindi mo alam kung tinitignan yun unit mo ( pwedeng oo pwedeng hindi dahil ang tagal naman nilang magbukas ng file kung ganun, imagine ilang minuto nagbrowse browse ng pc tapos wala naman isasagot sayo).

b. tatayo tayo para may tawagan kuno, o icheck or iprint or kausaping head. maghihintay ka ng ilang minuto pero same parin ang sagot, kung hindi man: wala kang makukuhang sagot.

c. opo at oo lang ang sagot, mapapagod ka lang kakapaliwanag pero wala talagang kahit anong sagot maliban sa maghintay ka sa email, tawag o magpunta ka sa mandaluyong office.

Nakakapagod talaga ang magpabalik balik. Sa unang pagpunta ko yun nga ang nangyare (nakasaad sa part 1 ng post ko).

Nagpunta naman ako sa pangalawang pagkakataon at ibinigay ko ang request letter ko.

Nakasaad doon na bakit nagkaron ng lot alteration? at ano po ba ang mga pwedeng options sa lot alteration. Unang una baka pwede nila akong bigyan ng same unit pero same price, dahil yun bagong location ay mas mahal ang presyo at hindi pa okay ang pwesto na ibibigay saken. O baka naman pwedeng bigyan nga nila akong ibang unit kahit na mas mahal wag lang ako umalis sa kanila, may pamangkin ako , hipag at mga kaibigan sa subdibisyon na iyon kaya gusto ko rin sana dun na lang din ako manatili kahit na medyo mapapamahal ang bayarin ko. Okay na rin sa akin.


Wala silang naging sagot at tugon. Ako na nga itong nagboluntaryong magbigay ng options sa kanila para ma-save ang aming kontrata. Kaso nga wala talaga.

Makailang ulit ako nag punta at nagbigay ng sulat.
Sa mga sumunod ay inilagay kong hindi ko na kaya pang maghintay sa kanila. Dahil ang wala namang kumakausap sa akin kung ano ba ang mga dapat kong gawin or mga bagay na pwedeng isa alang alang.

Kaya sa huling sulat ko isinaad kong hindi na ako tatanggap pa ng kahit anong proposal o offer (actually wala naman silang offer ako lang itong nagmagandang loob na maghanap ng ibang unit para nga hindi kami magkasira ng pfi).

Inilagay ko rin doon na hindi ko tatanggapin ang bahay bukod sa mahal ito kesa sa dati, hindi pareho ng lokasyon (ang ibig ko po bang sabihin ay yun dating isa lang ang kahati namen sa service area) at open space ang likod, pangatlo kami from end unit etc etc..at bukod pa dun 2014 ang turnover hindi indefinite 2015.

Paano na po ang mga plano namen halimbawa na ang pagaabroad kung hindi pala sasakto sa mga plano namen ang paglipat sa bagong bahay nang maisaayos ang aming pamilya bago kami gumawa ng iba pang plano?

Makalipas ang ilang araw, wala akong natatanggap na tawag or email kagaya ng sinabi nila sa akin maraming beses na, nagpunta ako ulit sa PFI para malaman kung ano na ang nangyare.  eto ang sagot:


Mam disapproved po ang request nyo, ang gusto po ni PFI is either tanggapin nyo ang bagong location or tanggapin ang RFO.

Say what? May choices pero sila parin ang wagi? Medyo hindi ako natuwa sa pagkaka deliver ng message, unang una parang wala akong magandang narinig , pangalawa hindi talaga maganda pagkakasabi saken ng CSR,siguro minsan depende rin sa tono ng boses yun eh, may mga pangungusap na may po pero walang lambing at may mga walang po at opo pero maganda ang pagkakadeliver. Nainis talaga ako.

Mayron na pala silang desisyon, bakit hindi nila ako inemail, mas lalong nag alab ang damdamin kong HINDI NA MAGSTAY sa kanila. Nakakainis. Email lang di magawa? Pero sa singilan, ang bilis?!

Ayun sinabi kong hindi ako papayag, at sinabi rin naman nilang hindi pwede at hindi ganun kadali iyon. Mahaba habang diskusyunan ang nangyari hanggang sa sinabi sa aking iproprocess na lang daw nila ulit. Dun ko rin nalaman na yun RFO na binibigay ay inabandonang unit..So tatanggapin ko pa ba iyon tanong ko sa isip ko. Baka mas malaking problema pa ang hatid nito.

Sa madaling salita, naghintay na naman ako ng ilang araw, wala paring tawag o text samantalang supervisor na ng CS ang kausap ko at nangakong magbibigay ng update weekly. Medyo hindi ko nga gusto ang tono ng mga text ng supervisor nun nagtanong ako ng ilang bes at hindi siya sumasagot. Parang ang dating eh ang kulit ko at tanong ako ng tanong. Na hindi pa siya makasagot dahil wala pang sagot. Okay lang naman kung wala pa. E di magtext siya mam, wait lang po! Kunti lang! hahaha.. o diba mas okay yun?

Sa pang ilang beses/pagkakataon ay bumalik ulit ako sa kanilang opisina upang dumulog.
Ay nga pala bago ko makalimutan nakatanggap na nga pala ako ng email from CS na kasama nga raw ako sa lot alteration at kung hindi ako sasagot sa email nila ay maaring ang sagot ko ay OO pumapayag ako sa lot alteration. Ang dami kong email sa kanila at reply na rin sa Lot Alteration email nila ay wala naman sumasagot..baka mamaya kako nyan eh sabihin nila wala sila natatanggap at ibig sabihin nun UMOO ako.

Kaya ayun, balik ako ulit sa PFI. At again, sabe nila ang processing ay 3-4 weeks maghintay lang ako. At again medyo nainis na naman ako ng sabihin saken ng CSR na mam, nakailang balik napo kayo at submit ng request po? Right po ba? same lang din po ang sagot mam eh. iproprocess at tatawagan kayo for the status.

Hmm may PO nga sarkastiko naman ang boses. Pati ang supervisor ay umiiwas ng tingin sa akin. Ang hilig kasi mangako ngayon mga walang mukhang iharap. Ayaw na nga rin nila ako ipakausap sa agent na 2x ko na nakakausap. Ayaw ko na sana sa iba kasi ang hirap paulit  ulit magexplain.

That time may katabi kaming mag-asawa. OFW ang lalaki, frustrated din sila kasi wala paring bahay na ginagawa. Galit na galit na yun lalaki ( which i think grabe na ang issue kasi sa gantong mga bagay tayong mga misis lang talaga ang mahilig maghagis ng bomba hahaha pero this time nagulat ako ang hinahon ng mister pero nasagad na yata kaya nagalit na).

Sabe ko sa CSR, hindi ako aalis dito hanggat wala akong matinong sagot. Pati ang hubby ko na super bait ( hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko :) mabait po talaga ang asawa ko at hanggat maari ayaw niya ng diskusyon) nagsabi na rin ng bakit naman ganito kayo sa amin, hindi naman kami nahuhuli sa pagbabayad, lahat naman ng kailangan ay ibinibigay namin. Gusto nyo pala ma-save ang kontrata naten bakit hindi niyo ipakita na gusto nyo pa kaming magstay sa inyo?


As usual, nakatitig na lang siya sa computer. Kunwari'y busy sa pagcommunicate sa kung sino man. At sinabing yun lang po talaga maghintay lang po kayo sa info ng office.

At sympre, napatid na ang pisi ko, tumaas ang boses ko pero hindi naman eskandalo ang peg. Sinabi kong hindi na ako maghihintay pa at hindi na rin ako magaaksaya ng oras dito dahil me trabaho rin ako. Ilang beses na akong umabsent dahil sa inyo. Muntik na akong mawalan ng trabaho dahil sa abala n iyan! At nadadagdagan pa ang budget ko sa pagpunta punta dito, pati oras ko nauubos , ngayon pati pasensya na. Naibigay ko na ang konsiderasyong hinihinge ninyo. Email o tawag lang ang gusto ko hindi nyo maibigay kaya sige ngayon kailangan kong makausap kung sino ang pwedeng kausapin.


Tumawag din kami sa kamag-anak nameng abugado that time. Pero hindi naman nila inentertain dahil wala daw sila sa posisyong makipagusap.


Makalipas ang ilang SEGUNDO, take note ilang segundo ng magtaas ako ng boses at aakmang mageskandalo na( na hindi ko naman ginawa dahil hindi maganda), ay nagulat na lamang ako sinabeng MAM okay na po ang request for refund.
Madali lang pala sila magdesisyon pero pahirapan pa ang pagkuha ng perang hindi ko naman inutang sa kanila. Pera ko yun, pinagpaguran ko. Hindi naman ako magcacancel kung walang problema. Actually, kahit nga may problema na ay binigyan ko parin sila ng pagkakataon pero mukhang hindi naman nila ako priority so okay lang.

Nakatanggap nga po pala ako ng email from CS nila na they are giving me money for backout. Sinabe ko sa kanila pakiayos ang mga documents at ilagay doon cancellation for lot alteration. Baka isipin pa ng ibang tao na hindi ako tumupad sa kontrata sa pagbabayad. At ang nakakatawa nagemail ulit sila mga 5minutes after na.. Okay mam CANCELLATION DUE TO LOT ALTERATION. haha hindi ko alam kung sarkastiko iyon or tinutuya ako o talagang sumusunod lang sa request ko.

Nakakahiya nga e pag nasa information table ako, lakas lakas ng boses nila kung ituring ako:

ay yan ba un BACKOUT?
 ang dating sa mga katabi ko eh ako yung hindi makabayad o nagbackout. KAINIS LANG hahah

Pero hindi na sa akin mahalaga iyon. Ang mahalaga hindi na ako mastress.

Ay siya nga pala, nun pagkapasa ko ng first letter ko sa kanila ng cancellation ko ng contract nagpurchase agad agad ako sa ibang developer para mameet ko yun time table ng plans namen. Hindi ko nailagay yun sa unang sulat ko. Kaya sa sumunod ay  Idinagdag ko sa request ko iyon na hindi na ako tatanggap pa ng offer mula sa kanila kasi nakakuha na ako sa iba. Dahil expected ko ay February to June 2014 na hindi nila mamemeet at mahihirapan ako sa plano namen magasawa. Kaya kailangan ko na magpurchase sa iba. 

Nag full dp na kako ako at hindi ko na pwede pa icancel. Hindi ko alam kung nakadagdag din iyon sa pagprocess ng mabilis.

Sa ngayon naghihintay parin ako ng REFUND :) 

perstaym ko sumulat ng "blog"

PROFRIENDS: Lot Alteration


"Kumuha po kami ng bahay noong 2012 at pinangakuan ng aming ahente nang paglipat kapag natapos ang hulugang "down payment" o mahigit kumulang labing limang buwan. (15months). Okay lang po iyon sa amin dahil hindi naman po kami masyadong nagmamadali sa paglipat at hindi rin naman "cash" ang aming ibabayad."

Mabait ang ahente ko, bata pa siya at halatang baguhan pa. Sapagkat marami akong mga katanungang hindi niya masagot. Pero masigasig siyang magbigay ng impormasyon sa bawat katanungan ko, sakaling hindi niya alam ay nabibigyan niya ako ng kasagutan pagkatapos niyang magsaliksik. (hindi handa pero okay na rin..better late than never).

Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilaan, marami naman akong nakausap na ahente ay sa kanya parin ako nagdesisyon kumuha. Siguro nga ay dahil gusto ko siyang mabigyan ng pagkakataon, muka siyang mabait , magalang at maganda.


Una kaming nagpunta sa subdibisyon na iyon dahil sinama kami ng aking hipag para makita ang lugar na titirhan nila pag tapos magpakasal ng kanyang nobyo. (sa ngayon naturn-over na ang kanilang bahay). Nagandahan naman talaga kami sa lugar. Eto ang listahan ng mga bagay na nagbigay sa akin ng go signal na "sige kumuha ka ng bahay dito":

1. Mahigpit ang mga guwardiya sa pagbabantay ng mga labas masok sa subdibisyon, isa ito sa mga hinahanap ko sakaling lilipat ako ng tirahan. Ang gusto ko kasi ay ligtas at naproproteksyunan sa hindi magandang pangyayari ang aking tahanan; ang aking pamilya.

2. Ako ay isang katoliko at napakahalaga sa aking ng pagdarasal, napaibig ako ng magandang simbahan sa lugar na iyon. At wari ko'y ang komunidad na nagpapahalaga sa relihiyon ay komunidad na magiging matatag, payapa at maligaya sa mga darating na panahon.

3. Ang ganda ganda ng HALL kung san pwedeng magdaos ng kasal, binyag, birthday at kung ano ano pa (hindi po ito libre). First time ko napuntahan iyon ay noon ngang sinama kami ng hipag ko para makita ang lugar, at pangalawa naman ay nun "Open House" , araw kung kelan kami nagpareserve. Masaya ang feeling ko noong araw na iyon dahil sa wakas magkakaron na kami ng sariling bahay. (although nakahiwalay naman kami sa mga byenan ko ay iba parin ang feeling ng sarili mong bahay, pinagpaguran mong ipundar).
May katanungan po pala ako, libre po ba ang mga pagkain kapag open house? Para lang po ba sa mga sure buyer ang mga iyon? (haha gusto ko lang po malaman kasi hindi kami pinakain eh).

4. Nakita ko ang plano ng subdibisyon at talaga namang namangha ako sa maganda nilang hangaring maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga tiga roon.
a. terminal pa maynila, shuttle bus
b. palengke, mall (kung saan magkakaron rin ng mga establishimentong pang ekonomiya gaya ng call center at iba pa)
c. paaralan
d. simbahan,swimming pool (nabanggit ko na kanina) park, playground, etc.

Sa madaling salita hindi na kailangan pang lumabas ng mga tao para gawin ang mga bagay na nais nila. Andun na rin ang trabaho kung saka sakali.

5. Ang gaganda ng mga model house.

Unang kita ko sa mga model house (noong isinama nga kami ng hipag ko) ay talagang napahanga ako sa ganda, talaga namang kahit nasa Pilipinas lang ako ay mararamdaman kong nasa ibang bansa ako sa ganda ng pagkakaayos, at kapag lumabas ka naman ay ang ganda rin ng kalsada, malawak , malinis at tahimik. Iba talaga ang ligayang nadama ko nung time na iyon at talagang ninais ko talagang tumira doon. Nagsimula ng mabuo ang mga pangarap at plano sa isip ko..

Sa pangalawang pagkakataon ay nang kami ay magdedesisyon ng kumuha ng bahay. Maganda parin sa aking paningin ngunit bilang isang mamimili, nagkaron ako ng ilang katanungan (na hindi naman talaga importante saken dahil kung pagbabasehan ko ang anyo ng bahay ay talagang gustong gusto ko na).

Isa sa natatandaan ko ay:
Tila yata manipis ang pagkakagawa at para bang mauupos kung sakaling magkasunog o maging alikabok kung sakaling lumindol.
 ang sagot naman ng ahente ay ito nga daw ang makabagong teknolohiya na aangkop sa pilipinas. hindi masyadong malaki ang kakainin sa lupa at espasyo, hindi magastos, matibay, matatag at talaga naman magandang tignan. Madali rin lamang daw ito buuin kaya nga ang pinangakong turnover ay 15mos and so.(actually sken po walang sinabeng sosobra, mapapaaga pero hindi sosobra ng pagkatagal tagal siguro 1 or 2months kung sakali ngang may mga aberyang mangyayare dahil sa mga bagyo- sabe ng ahente ko).


Sa kadahilanang gusto ko na ang bahay at may bali balitang magtataas na naman sila ng value/presyo ay kinuha ko na ang oportunidad para makakuha ng bahay. (sa hipag ko kase mura lang nila nakuha ang kanilang unit kahit pareho sa amin at may isang taon lang ang pagitan). Nagbayad ako ng reservation, isang buwan dp (Cash) nagbigay ng checke, pumirma sa kontrata, nagpasa ng requirements, umattend ng counselling at sa matapos ang mga hakbang na kailangang sundin.

Natapos ang lahat at eto naghihintay na lang kami sa susunod na kabanata. Siyempre magiliw ang aming mga puso't isip sa paghihintay para kang isang bata na excited sa fieldtrip kahit alam mong ilang araw, linggo o buwan pa bago ito sumapit.

Lage akong nagmemessage sa ahente ko (namin), gamit ang facebook, sms or call kapag may mga ilang katanungan ako. Eto ang ilan sa halimbawa:

1. my license to sell ba yung mismong lupa namen?
-Regarding po sa liscence to sell yes meron na po ang kensington wherein locatwd po ang units natin.pwede niyo po double check sa hlurb. as of now in process ang manchester which includes gabrielle and alexandra.
2.hnd ko nakta sa contract kng automatic member ako ng home owners..pakiexplain naman dn
-homeowners association fee will start once na naturnover na sa inyo ang bahay. hindi po kasama as of now sa binabayaran niyo ang monthly dues po maam.

3. ksama sa binabaha un area nten ...totoo bang may prevention kau or countermeasure para nmn hnd kami abutin ng baha kng sakali..i know baha is act of god..pero nsa developer un dba para maging maayos at maiwasan un kung sakali
-your unit maam is located at ks14 wherein mas mataas po compare sa ks 1-3. binaha po ang phase na yon dahil may mga nakastock na mga mga bakal na ginagamit sa construction kaya di nakadaloy ng diretso ang tubig.kung makikita niyo right after the bridge coming from lancaster sa right side nakastock ang mga precast natin wherein tatanggalin na po to prevent flood.

5. ok b un mga amenities kse un nkta namen s mga blog at facebook page ng mga homeowners snsbe hnd totoo ang amenities at hnd mganda ang loob ng lancaster..wl kming idea kse hnd nmn kmi allowed bumista dba
- what do you mean na amenities maam? clubhouse, church, lancaster square,gym and school? what are their basis na hindi totoo at maganda? as of now existing na po lahat yan at nakita niyo namn po ang funcrltionality niya. try po to visit ulit maam. Every sunday may masa na po tayo, 2buildings na po ang st. edward, our lancaster square is 2 storey wherein da baba meron grocery,kainan,bayad center, salon, clinic then sa taas is call center.may bus terminal na rin tayo at patapos na rin ang gym.

4. bakit hnd kmi allowed pmunta sa site para tgnan un mga bahay at lupa namen> kse sa ibang developer allowed un pra nga nmn maiwsan ang mga mali at mkta rn nmen kng ano ang mga dpat ayusin,kse s pagkakaalam ko 2x lang pwede kmi maginspect based s experience ng sis in law ko... so after nun secnd inspection at may makta kng hnd maayos..wl k ng habol s developer
-di po tayo allowed na pumunta sa construction area because we consider your safety and security. Tuloy tuloy po kasi ang construction natin along our way may mga ginagawa na bahay so incase na may bumagsak or any uncontrollable accidents hindi natin maiiwasan yon. then sa inspection namn po pwede moyo pa rin hindi tanggapin ang bahay niyo after second inspection once na makita niyo na hindi po ok.
all in all ang gumagawa po ng blog maamy is a professional na binabayaran lang wherein di nakapunta sa area at ginagawa lang ang trabaho nila as a blogger.hopefully nasagot ko po lahat ng tanong mo po.

At marami pa akong naging katanungan sa kanya. Isang araw nakatanggap ako ng message sa facebook galing sa kanya:

Hello maam! kamusta na po? by the way maam inform ko po kayo na malilipat ang unit natin sa mas magandang location. May tatawag po sa inyo from profriends for more info maam. pkihintay nalang po.




  • ha?
    bkt gnun?




  • nag lot alteration po sila maamy. tatawag sila sa inyo para idiscuss po.




  • kelan p ito? you have to inform us right away hnd un huli na ang lahat ..kelan sila ttwag i want to know .. thank u




  • ngayon lang din po nila sinabi maam. Wla fix date na ibinigay kung kelan po sila tatawag maam however pwede din po ninyo puntahan sa office po maam.




  • kelan p ito? you have to inform us right away hnd un huli na ang lahat ..kelan sila ttwag i want to know .. thank u
    hnd ko mabsa un reply mo nwawal
    nakta ko s notifications pero wl ako nababasa
    bkt bglang magiiba ng location? anong dahilan? at bakit ngaun lang?




  • ngayon lang din po nila sinabi maam. Wla fix date na ibinigay kung kelan po sila tatawag maam however pwede din po ninyo puntahan sa office po maam.
    sorry maam lately lang din kami ininform maam. kaya po sinabi agad sa inyo. at limited lang din po ang binigay sa amin na details po maam dahil si developer na po ang may hawak sa concern na yon. kaya sila din po mismo magpapaliwanag.
  • November 6, 2013




  • sana tumawag sila agad..kse ang sbe mo sken under cons na un haus at mededalay lang ng konti s turn over dahl me mga bagyo nga so bkt bglang llpat ng location kng gnagwa n un? saka dapat bago nag bebenta ng lupa ay totoong meron lupa na hnd un maiiba ang expectation namen...kailangan makausap nla agad kami hnd un late na baka mamaya kng hnd kami magkasundo un bnayad namen mabaliwala eh
  • November 6, 2013




  • pwede b ako ang twag sa knla




  • message ko sayo mamaya statement from pro po maam. nasa meeting lang po ako.




  • sge po thaks
    gsto ko sana makausap sla eh
  • November 6, 2013




  • Good day! Thank you for choosing PRO-FRIENDS. In our effort to give what’s best to our buyers, we wish to inform you that unit KS17 is being offered to you in lieu of your Unit in Kensington Phase 14. KS17 unit is more accessible leading to the main road as well as to the school that we will be constructing soon, which should bring more convenience to you and your family. Upon confirmation with the transfer, we shall be facilitating all of your payments and records update in favor of the new unit under your name. Thank you for giving attention to this and have a nice day.




  • hello maam. sorry for late reply maam. pwede din po tayo pumunta ng office if gusto niyo po sila makausap personally.




  • sang office
    anong unit ang ipapalit dw at san? anong tisura
    itsura thanjks




  • pwede po sa imus office at pwede din sa main officce maam kung saan kayo mas convenient.




  • halos same din po ng unit niyo maam at location po kung saan nakaharap ang dati niyo na unit.




  • e bkt dw illpat s ibang lugar
    akala ko nagwa n un bahay
    wait ko nlng ang tawag nla..kse kng ppnta ako eh hnd ko rn nmn alam ang ssbhn ko s knla..dahl sla ang dapat mag paliwanag thank u
  • November 7, 2013




  • sorry di pala agsend yong mesage ko sayo kagabi maam.
    yon nga po mas better po ang location sa ks17.
    nagkaroon po ng remapping which is beyond their control
    as they stated sa bingay ko sayo na statement maam
    delete ko nalang po comment niyo sa status ko po maam ha.
    eto po maam. try natin ag email dito
    Customerservice@profriends.com
    or tumawag po dito Customer Service Hotline: (02) 727-7000




  • hi ano ba ang gamit mo ? bkt hnd ko nkkta un mesasges mo naka moble kaba thank u ha..manla line pala wl bang hnd manla line
    sge delete mo ok lng
    bkt sla nagbenta ng hnd sl sure? tps pano un pag gagawa ng bahay hanggang kelan kmi maghhntay? baka hnd pa nsismulan?
    bkt ang tagal nilang kumontak kng may aberya n pala




  • nakamobile po ako maam. Di nga rin po ng popop up message niyo.
    ngayon lang di po yan maam.di po nila inaasahan na magkaganun. Sisikapin nila po na maturnover din po sa binigay nila na date.
    prioriry ngayon ang construction sa area na yon.
    yon lang po ang ang customer service natin maam. Mandaliyong po kasi main office natin
  • November 18, 2013

  • me

    hi wc kelan kaya ako iinform ng profriends? ikw wla ka bang formal letter sken abt s mangyayareng change location? pra mgwaan ko ng necessary action




  • Hello maam! yong sinend ko po sa inyo maam na statement is galing na po yon sa profriends.hinintay ko lang po ngayon ang specific unit na kapalit para po mapresent ko sa inyo ang bago po.

  • me

    pag pmunta ako sa imus ano ssbhn ko




  • Punta ako ngayon office maam.ask ko po muna sila sa status then advise kita.

  • me

    thanks please yes




  • welcome maam.

  • me

    sn mabgyan mo ako ng sagot
    pnta rn ako sana sa office kng my advce kana tnx
    sa imus pwedeba
  • November 18, 2013

  • me

    nakapnta kana sa offfice?




  • Hello maam! yes kagagaling ko lang po maam. Punta nalang po kayo sa imus office para makapili po ulit kayo ng unit na ipapalit maam.

  • me

    ah tlga?
    ano ssbhn ko ?
    paano ssbhn ko ?
    i mean pano magssmula usapan namen
    ssbhn ko ba nainform mo ako?
    or what ba




  • yes maam.sabihin niyo lang po na magiinquire kayo regarding sa lot alteration. alam na po nila yon maam.
    Wla po kayo narecv na letter diyan sa address niyo maam na nakasulat po doon sa docs niyo?

  • me

    wala
  • November 19, 2013

  • me

    hi ging nakapunta na ako kanina\
    thanks




  • hello maam! kamusta po?

  • me

    ok nmn ..
    hnd p kmi decided kse un dati namen nkuha ms mganda eh ngaun hnd ,tpos ms mahal
    may mkkta kabang sophie?
    sophie nlng kukunin namen pakicheck nmn




  • cge hanapan ko po kayo maam.regular unit po?
    or ranges ng price.
    pra pag meron inform ko agad kayo.

  • me

    pls let me know kng meron if wla baka hnd ko n tuloy un pagkha ko kse hnd mganda un lugar




  • ok maam. Check ko.magkano price ng inoffer sa inyo kanina?

  • me

    bta mataas eh kalmtan ko na




  • meron endlot sa sophie maam. 1790640 ang total contract price niya.
    endlot
    however 80sqm parin ang lot area

  • me

    uu nga eh mahal
    wl bang hnd

Taliwas sa comment ko sa facebook na expected date namen ay february 2014, sorry po binasa ko ulit ang chat messages namen ng ahente ko, mayron pala siyang message doon na June 2014 ang expected date ng turnover:

estimated date of delivery po natin is february 2014 po
pwede na po yon cguro mga june maam.lagay na natin may 3months alloted for inspection.

However, October 2013 hindi pa nagagawa ang bahay at iexpect ko ng June 2014? Madali lang pala gawin kung sakali. Pero ayun nga may message siya before na under construction ang bahay namen pero wala naman palang ginagawa. Napaka gulo ng sitwasyon :( mabuti na lang yun sabihing wala kesa meron pero wala wala wala. :(

Nang malaman ko ang sitwasyon ng aking unit, ay makailang beses ako nagtanong at nagemail sa ahente ko at sa CS ng PFI para naman malaman ang tunay na nangyare sa aking inaasamasam na tahanan, sobrang excited talaga ako pero unti unting napalitan ng kaba.

Nakakarami na ako ng email sa Profriends pero wala parin akong natatanggap na sagot. Bakit ba hindi nila ako tinatawagan or iniinform sa estado ng unit ko, samantalang ilang buwan din ako nakakatanggap ng email sa kanila na nagpapaalala ng due date ko sa pagbabayad, kahit nga malayo pa or tapos na akong magbayad ay nakakatanggap parin ako ng email. Pero etong importanteng bagay tungkol sa unit ko hindi nila ako matawagan or maiemail man lang. Oh napakasaklap. Kung hindi ko pa nalaman sa ahente ko, eto ako naghihintay sa wala, at masayang iniimagine na malapit ng mabuo ang bahay ko dahil sabe nga ginagawa na daw. (hindi naman pla, erase erase erase)

Nagpunta ako sa PFI office para tanunging kung kamusta na ang aking (aming) unit. Magiliw naman kaming sinagot ng CSRep na okay naman daw so far ang unit. 

Tinanong ko ulit siya kung 
kamusta na kako? Okay lang? Ano ang ibig mong sabihin sa okay lang? Inaayos? Ginagawa? Tapos na? Ang sabi nya ay Okay naman po at on-going naman po.


Aha! Okay lang daw ang unit namen? on-going ang ano? Malugod kong pinaalam sa kanya na alam ko na ang sitwasyon ng aming bahay.Ito ay kasama sa lot alteration. Ang sagot niya sa akin:

Ay alam nyo na  po pala?

Wow na wow talaga! Nakatingin ka sa monitor mo ng pagkatagal tagal, pindot ng mouse ayos ng mga papel, sasabihin mo okay ang unit ko, at ng sinabe kong alam ko na , isang iglap lang sasabihi mo saken alam mo ko na pala. Hay dyos miyo!


Kahit na medyo naiinis ako sa pagkakataon na iyon hinayaan ko na lamang siyang i explain ang ibig sabihin ng lot alteration (kahit na alam ko na kung ano iyon)...